Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Barangay officials sibakin sa Bonifacio Shrine na inebakan
Barangay officials sibakin sa Bonifacio Shrine na inebakan

Barangay officials sibakin sa Bonifacio Shrine na inebakan

NAKIKISIMPATIYA tayo kay P/Lt. Rowel Robles, ang Lawton PCP commander na naging ‘casualty’ dahil sa kaburaraan ng barangay officials na nakasasakop sa Bonifacio Shrine na ayon nga kay Mayor Isko Moreno ay ginawang isang malaking kubeta ng mga vendor na namugad sa nasabing lugar.  

Saan ka nga naman nakakita na National Hero Shrine pero ginawang kubeta ng mga vendor.

Maging si Mayor Isko ay nabiktima ng mga tumpok-tumpok na ebak (excuse me po!) sa nasabing lugar.

Ang bantoooot!

Pero bakit si Lawton PCP commander P/Lt. Rowel Robles ang nasibak at hindi ang barangay officials na siyang dapat nangangalaga sa kalinisan ng nasabing lugar?!

Mayroon ngang pananagutan si P/Lt. Robles sa nasabing kapabayaan pero sa tingin natin ay higit ang mga opisyal ng barangay na nakasasakop sa lugar.

Bukod sa pagsibak sa PCP commander, pinaalis na rin ang mga vendor sa lugar gayondin ang agarang paglilinis at sanitasyon sa buong Bonifacio Shrine.

Utos ng alkalde, arestohin ang mga mag-iistambay sa lugar dahil sa ginagawang pambababoy at pagkakalat.

Hindi ba nahiya ang mga barangay officials sa nasabing lugar na si Mayor Isko pa ang nagpalinis sa nasabing lugar?!

Palibhasa nga’y hindi naman sila residente sa nasabing lugar kasi alam naman ng lahat na ang barangay na ‘yan ay kuwestiyonable ang constituency ‘e di lalo ang pagkakahalal sa mga barangay officials?!

Hindi lang ‘ebak’ ang naamoy natin dito… mukhang matutuloy na ang pagkalusaw ng isang barangay…

Ang ‘barangay ebak’ sa Lawton! Bow! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top