Thursday , April 25 2024

Megan, isinugod sa ospital dahil sa ‘emergency’

ANO kayang nangyari kay Megan Young at isinugod siya sa ospital kahapon ng madaling araw kaya hindi nakadalo sa mediacon ng bago nilang serye nina Rayver Cruz at Kris Bernal na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko (Lunes).

Sitsit ng aming source, may ‘emergency’ si Megan kaya wala siya sa mediacon at maging ang buong staff din ng programa ay inaalam pa kung ano ang sakit ng dalaga.

Mag-asawa ang papel nina Rayver at Megan sa serye at si Kris ang ka-love triangle na may twist.

Ang seryeng Dragon Lady ni Janine Gutierrez na magtatapos na sa Hulyo 20 ay papalitan ng serye nina Rayvera t Megan sa Hulyo 22.

Kaaliw lang dahil nagpapalitan lang ng serye ang mag-dyowang Rayver at Janine dahil tanda namin ang Dragon Lady ang pumalit sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko na unang programa ng aktor sa GMA 7.

Anyway, wala kami sa presscon ng nasabing serye ng Siete kaya hindi namin alam kung umamin na si Rayver sa relasyon nila ni Janine.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *