Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gerald, ‘di na ikinagulat pagkadawit sa hiwalayang Julia at Joshua
Gerald, ‘di na ikinagulat pagkadawit sa hiwalayang Julia at Joshua

Gerald, ‘di na ikinagulat pagkadawit sa hiwalayang Julia at Joshua

NAGBIGAY na ng pahayag si Gerald Anderson tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa break-up nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Ani Gerald, hindi siya nagulat sa pagkakabit ng pangalan niya kay Julia. Nagkatambal sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes at ito ang pinagbasehan ng iba kaya inuugnay siya sa paghihiwalay ng dalawa.

“Siyempre ganoon talaga eh, parang hindi kayo sanay diyan,” sabi ni Gerald sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy niya, “Sanay na ako sa tagal ko na sa showbiz, ganoon talaga. But like I’ve said, just stay positive. Sa rami kong ginagawa sa buhay, wala tayong oras, parang wala na tayong oras sa ganyang issues. Just keep moving forward. Go lang nang go.”

Nakapag-usap na ba sila nina Julia at Joshua tungkol dito?

“No! Siguro bigyan na lang natin sila ng privacy. Mahirap ‘yun, kung anuman ang pinagdaraanan nila,” sagot niya.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top