Thursday , February 20 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Endoso ni Digong iboboto ng Party-list Coalition
Endoso ni Digong iboboto ng Party-list Coalition

Endoso ni Digong iboboto ng Party-list Coalition

NAGPASYA ang Party-list Coalition kahapon na suportahan ang mga inendoso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-speaker ng Kamara na sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan jay Velasco.

Ayon kay 1Pacman Rep. Mikee Romero, uma­asa rin sila na maibibigay ang 20 porsiyento ng alokasyon sa chair­manship at membership ng mga komite sa grupo nila.

Sa ngayon,  kinikilala nila ang endoso ni Duterte kay Cayetano.

Aniya, maaari pa rin namang magbago ang isip ng Pangulo.

Ayon kay Romero, hindi pa rin nagbabago ang posisyon ng grupo nila na isang kandidato lamang ang iboboto sa 22 Hulyo.

“We haven’t changed our position to vote as a bloc. We will vote as a 54-member bloc,” ani Romero. Aniya kung sino ang pinili ng pangulo siyang iboboto nila.

“For the President’s choice kami.”

“Yes, for now,” dagdag ni Romero.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top