Monday , August 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Amal Clooney ipinatapat ni Ressa kay Panelo
Amal Clooney ipinatapat ni Ressa kay Panelo

Amal Clooney ipinatapat ni Ressa kay Panelo

ITINUTURING ni Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo ang sarili bilang katapat ni international human rights lawyer Amal Clooney.

Ito ang pahayag ni Panelo, kasunod ng ulat na isa si Clooney sa magiging abogado ni Rappler CEO Maria Ressa sa mga kinaka­harap na kasong cyber libel at tax evasion.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Panelo, tuwing nagdedebate sila ni Ressa ay naaawa siya rito kaya kinakailangan aniya ng Rappler CEO na makakuha ng isang magaling na abogado na ipantatapat sa kaniya.

Welcome kay Panelo ang hakbang ni Clooney pero nasa korte na ang mga kaso at makabu­buting hintayin na la­mang ang pag-usad nito.

Bukod dito, hindi aniya puwedeng kuma­tawan o mag-appear sa korte si Clooney dahil hindi naman siya mi­yem­bro ng Integrated Bar of the Philippines, maaari lamang  maging consultant.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top