Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Reunion movie nina Martin at Maricel, ‘di na tuloy
Reunion movie nina Martin at Maricel, ‘di na tuloy

Reunion movie nina Martin at Maricel, ‘di na tuloy

HINDI na pala matutuloy ang pelikulang gagawin nina Maricel Soriano at Martin Nieverra sa Regal Films. Iyon sana ang reunion movie nila.

Ito’y ayon mismo kay Martin nang makausap namin siya.

Hindi kasi kakayanin ng schedule ni Maricel ang gumawa ng pelikula.

“Hindi natuloy. I think Maricel get busy with her teleserye (The Generals’ Daughter). So I guess ‘pag may break ‘yung teleserye, roon na tayo magsu-shooting,” sabi ni Martin.

Nanghihinayang ba siya na hindi natuloy ang movie nila ni Maricel?

“Hindi naman,” sagot ni Martin.

“I understand that she’s very busy. Ako rin, busy din ako. But I was so flattered na mayroon talagang role, na love interest with Maria. 

“Excuse me! May bedroom scene pa. As in, dumaan kami ng bedroom,’yun lang,” biro pa ni Martin.

Pero nami-miss niya ba ang pag-arte?

“Not really. Nobody like my acting, eh,” natatawang sagot ni Martin.

“Aminado ako, noon pa, I think I’m the one who ruined the movie industry, eh. So the more I stay away from the movies, tataas ng tataas ang movie ano..ang life ng movie,” tawa na naman ni Martin.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top