Thursday , February 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine, nag-donate ng pera sa LGBT Pride March
Nadine, nag-donate ng pera sa LGBT Pride March

Nadine, nag-donate ng pera sa LGBT Pride March

HINDI lang siya nakiisa roon sa Pride March na naunsiyami dahil inabot ng ulan. Nagbigay pa raw ng pera si Nadine Lustre para sa LGBT Pride March. Hindi naman sinabi kung magkano ang ibinigay niya pero ibinisto pa nila na ang ginamit niya sa pagbibigay niya ng donation ay ang tunay niyang pangalan, Alexis Lustre.

Siyempre happy ang organizers at magandang propaganda para sa LGBT iyong nagbigay pa ng datung sa kanila si Nadine. Pero susuportahan nga kaya ng gay community ang mga pelikula at TV shows ni Nadine? Aba dapat naman magbigay sila ng suporta kahit na solo project ni Nadine dahil nakisama iyon sa kanila. Hindi iyong tumitili lang sila basta naglabas ng abs si James Reid.

Pero ok iyang ginawang iyan ni Nadine.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top