Friday , February 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Baby Surprise nina Mariel at Robin, babae!
Baby Surprise nina Mariel at Robin, babae!

Baby Surprise nina Mariel at Robin, babae!

Babae muli ang ipinagbubuntis ni Mariel Rodriguez. Ito ang inihayag ng aktres noong Sabado na tinawag nilang Baby “Surprise.”

Isang pagtitipon ng mga kaibigan, kamag-anak ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla ang naganap sa The Bellevue Manila para sa gender reveal part.

At naihayag iyon kinabukasan sa YouTube channel ni Mariel. At doon nila sinabi na baby girl muli ang ipinagbubuntis niya.

Ibinahagi ni Mariel sa kanyang vlog ang pagkapili sa nickname ng kanilang ikalawang baby.

Aniya, ”Baby number two was not planned. In my head, I really wanted to give Isabela a sibling.

“Pero gusto ko sana, magta-try ako ‘pag three years old and above na siya.

“Para ma-explain ko sa kanya nang mabuti na magkakaroon na siya ng kapatid.

“She is so selosa so every day, feeling ko hindi pa siya ready.

“Pero maagang ibinigay ni God ‘yung blessing kaya ang nickname ko for this baby is Baby Surprise.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top