Monday , November 17 2025

Isko, Honey, nanumpa na sa tungkulin

PORMAL nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga nagwagi sa midterm elections na isinagawa nitong 13 Mayo 2019.

Ito’y kasabay ng huling araw ng Hunyo nitong Linggo.

Kabilang sa mga sumalang sa oathtaking ang newly elected Manila mayor na si Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna sa harap ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

Tinalo ng dating Manila vice mayor na si Isko si Joseph Estra­da.

Ayon kay Isko, ang kanyang administrasyon ay magiging isang bukas na pamahalaan, bukas ang financial records, bukas ang lahat ng transaksiyon at walang itinatago.

At higit sa lahat bukas ang isipan sa mga makabagong paraan.

Bukas sa mga suhestiyon na magmumula sa mga mamamayan mismo.

Samantala, nanumpa ang mga newly-elected and re­elected councilors kay Exe­cutuve Judge Virgilio Maca­raig.

Sa panayam kay Julius Leonen, bagong PIO chief ng Manila City Hall, inimbitahan nila ang mga dating alkalde ng Maynila kabilang sina Alfredo Lim, Joseph Estrada at Lito Atienza.

Tanging si dating mayor at ngayo’y congressman Lito Atienza ang nagpaunlak sa nasabing paanyaya na binigyan ng credits ni Mayor Isko ang mga magandang nagawa sa Maynila sa panahon ng kanyang panu­nungkulan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …