Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dante Salamat, pangungunahan ang Bonding, Jamming benefit show
Dante Salamat, pangungunahan ang Bonding, Jamming benefit show

Dante Salamat, pangungunahan ang Bonding, Jamming benefit show

PANGUNGUNAHAN ng tinaguriang Cool Boss of It’s Showtime na si Dante Salamat ang isang get together/fund­raising concert and benefit show na lalahukan ng mga kapwa niya KapareWho.

Pinamagatang Bonding, Jamming, ito ay gaganapin sa June 30, 2019 sa Dapo Restaurant and Bar sa Scout Tobias, QC. Ang ticket ay P350, with complimentary drinks.

Makakasama ni Mr. Dante rito sina Marinel, Roman, Carol, Yuan, Ma. Nancy, Archangel, Geraldine, Marlon, Joyce, Hadj, RV, Jeaneth, Restie, Grace, Isabel, Alma, Doris, Eduard, Cherrelyn, at Calvin. Special Guests sina JC, Jhunhie (former Cueshe), at Hayde Manosca.

Paano nagsimula ang project na ito at siya ba ang parang head ng KapareWho?

Sagot ni Mr. Dante, “Yes, ako ang appointed president ng KapareWho, we started to have a group chat of all ABS-CBN KapareWho participants. Then, if there is time for us to meet up together, we plan and have bonding together. Like, watching Showtime together, going to Padi’s Point to have party. Until we come up with ideas of some participants to appoint officers to start up planning of what project we can help the community.”

Esplika niya, “Then they appointed me as president of KapareWho… so our first fundraising project is on June 30, a variety show and concert to be participated by selected KapareWho participants. Our objective is to raise funds that will be donated to elderly who need help, also to showcase talents of members of Kapare­Who and at the same time to have bonding, camaraderie, and of course, business opportunities on how we can help each other. To have additional income and opportunity is one of the objec­tives also of this organization.”

Anyway, ang life story ni Mr. Dante ay sobrang makulay at kapupulutan ng aral at inspi­rasyon. Kaya naman wish niyang ma-feature ito either sa MMK o Magpakailanman na isang rags-to-riches story ng batang lumaki sa sobrang hirap ng buhay sa Donsol, Sorsogon na matapos iwan ng mga magulang sa kanyang lola noong bata pa lang ay pilit na inabot ang kanyang mga pangarap sa buhay hanggang maging Pre­sident at CEO siya ng PR Diamonds Realty Philippines.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top