Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / NAIA yellow cab driver tiklo sa ‘overcharging’
NAIA yellow cab driver tiklo sa ‘overcharging’

NAIA yellow cab driver tiklo sa ‘overcharging’

ISANG yellow cab driver ang inaresto ng mga tau­han ng Mobile Patrol Security Unit (MPSU) nang ireklamo ng dala­wang pasahero na kani­yang siningil nang higit sa tamang pasahe mula Ninoy Aquino Inter­national airport (NAIA) terminal 1 patungong Ortigas Avenue, Pasig City, iniulat kahapon.

Kinilala ni P/Lt. Col. Monchito Lusterio, hepe ng MPSU-PNP-AVSE­GROUP ang suspek na si Arielino Gripo, 60, may-asawa, naninirahan sa Block 19 lot 23, South Ville, Bgy. Aguado, Trece Marti­rez, Cavite.

Si Gripo ay positibong itinuro nina Shawn Gurcharan at Dil Moham­med, pawang missiona­ries ng Republic of Gu­yana, na siyang nagsakay sa kanila sa yellow cab taxi at sumingil ng US$50, katumbas nang mahigit P2,500 mula NAIA terminal 1 hang­gang Pasig City.

Ayon sa ulat ng pulisya, dumating sa airport ang dalawang dayuhan at nagpahatid kay Gripo, nagma­maneho ng yellow cab, pero pagdating nila sa Go Hotel, Pasig City ay siningil sila ng US$50, higit sa tamang pasahe na itinatakda ng batas.

Ang yellow cab ay nakarehistro sa Royal Crown, Travel, Tours and Transport Services na may tanggapan sa Malate, Maynila.

Sa pamamagitan ng text messages na ipina­rating ng dalawang biktima sa NAIA HOT­LINE, agad nakarating ang reklamo sa nasabing tanggapan dahilan upang aksiyonan at agad ina­resto ang naturang driver. (JSY)

About JSY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top