Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Katrina, mag-aaksiyon na rin
Katrina, mag-aaksiyon na rin

Katrina, mag-aaksiyon na rin

NAIIBANG role ang ginampanan ni Katrina Halili sa bagong action movie, Kontradiksyon na ginagampanan niya ang isang direktora ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.

Inamin ng sexy Kapuso actress na noong ialok sa kanya ang movie, nagdalawang-isip siya, hindi dahil sa ayaw niya ng role kundi dahil sa mga action scene.

Iba naman kasi ang action scene na ginagawa niya sa telebisyon, pa-project-project lang siya, emote-emote na tila isang action star.

Remember naging kalaban siya ni Darna na ginampanan noon ni Marian Rivera sa GMA-7?

At ngayong sumabak muli siya sa aksiyon, pinaghandaan nang husto ni Katrina ang kanyang role. Training to death siya ng mix Martial Arts at Aikido.

Labag man sa kalooban, fight si Katrina sa training para maging pulido ang kilos sa fight scenes.

Bukod pa sa pagiging makatotohanan ang kanyang mga pakiki­paglaban, naging motivation din ni Katrina ang woman empowerment.

(Joe Cesar)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top