Monday , August 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine, naka-tatlong Best Actress na, Big Winner pa sa Myx
Nadine, naka-tatlong Best Actress na, Big Winner pa sa Myx

Nadine, naka-tatlong Best Actress na, Big Winner pa sa Myx

NAKATATLONG Best Actress Award na ngayong taon ang Viva Artist na si Nadine Lustre. Ang una ay iginawad sa kanya ng Young Circle Awards para Sa mahusay na pagganap sa pelikulang Never Not Love You at ang pangalawa ay sa FAMAS.

Siya rin ang itinanghal na best actress sa 2019 Gawad Urian.

Tinalo  nito ang ilan sa mahuhusay na aktres tulad nina Glaiza de Castro (Liway), Pokwang (Oda sa Wala), Anne Curtis (Sid & Aya: Not A Love Story), Ai Ai Delas Alas (School Service), Bella Padilla (Meet Me In St. Gallen), Perla Bautista (Kung Paano Hinintay ang Dapit Hapon), Iya Mina (Mamu and a Mother Too), Maribeth Fangbayan (Tanabata’s Wife), at Celeste Legspi (Mamang).

Sa kabilang banda, Big Winner din si Nadine sa katatapos na Myx Awards 2019 na ilan sa napanalunan ay ang Music Video of the Year (St4y Up), Artist of the Year, Media Soundtrack of the Year: Prom by Nadine and James Reid, at Female Artist of the Year.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top