Wednesday , September 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mag-asawang Max at Pancho, walang pakialaman sa workout
Mag-asawang Max at Pancho, walang pakialaman sa workout

Mag-asawang Max at Pancho, walang pakialaman sa workout

PAREHONG maganda ang katawan nina Max Collins at Pancho Magno kaya tinanong namin ang una kung sabay ba silang mag-workout ng kanyang mister.

“Hindi po, kasi matindi ang workout niyon!

“Ako mas mahilig ako mag-class, parang Yoga class o spinning class or Pilates.

“Siya kasi gusto niya siya lang mag-isa.

“’Yung hilig ko ngayon, spinning talaga.”

Ang spinning class ay more on exercise bikes.

First time naman na pareho silang may teleserye ni Pancho.

“At magkasunod pa! First time kasi laging one or the other, either ako nagte-taping tapos ‘pag tapos na ‘yung show ko at saka siya nagsisimula.

“First time na sabay kaming nagte-taping.

“Kaya lang different days, so siya MWF, ako TTHS.

“So nagkikita lang kami ‘pag pauwi na, or paalis na.

“Okay lang para mami-miss namin ang isa’t isa.”

Female lead si Max sa Bihag bilang si Jessie samantalang isa sa male lead stars si Pancho sa Dahil Sa Pag-ibig bilang si Gary.

Naka­lipat na sila ni Pancho sa bago nilang bahay.

“Two days ago, pine-paint na namin ‘yung bahay.”

Dahil naghahanda na sila sa paglaki ng kanilang pamilya sakaling mabuntis na si Max, sa isang mas malaking bahay na sila nakatira, three-bedroom, two-garage house.

Hiningan namin ng opinyon si Max sa isyu ng umano’y pagsasara ng ABS-CBN, bilang dating Kapamilya si Max tulad din ng leading man niya sa Bihag na si Jason Abalos.

“Si Sophie rin, ka-batch ko siya!”

Ka-batch rin pala ni Max sa Star Magic si Sophie Albert na co-star din nila sa Bihag.

Parehong galing sa Batch 15 (2006) ng Star Magic sina Max at Sophie, pati na rin sina Jessy Mendiola at Bela Padilla, among others.

“It’s sad for everybody na mawawalan ng trabaho, kung totoo man, maraming artistang mawawalan ng trabaho.

“Hindi lang artista ‘di ba, staff, empleado.

“Sad, sad.”

Pagpapatuloy pa ni Max, “I bet, siguro naman, I mean, may iba pang mag-o-open na opportunities para sa mga tao.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top