Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jon, aminado, sinayang ang oportunidad na ibinigay ng Dos; lipat-GMA na
Jon, aminado, sinayang ang oportunidad na ibinigay ng Dos; lipat-GMA na

Jon, aminado, sinayang ang oportunidad na ibinigay ng Dos; lipat-GMA na

HINDI kinompirma sa amin ng bagong manager ni Jon Lucas na si Tita Becky Aguila kung nasa GMA 7 na ang dating miyembro ng Hashtag, ang inamin lang niya ay magaan ang loob niya sa aktor.

“Magaan ang loob namin sa kanya, very sincere na bata. He deserves another chance. I see a younger version of Boyet de Leon and Jericho Rosales. Let’s pray that he makes it this time around,” saad ng talent manager.

Matagal na palang walang kontrata si Jon sa Star Magic pero tinutulungan pa rin siya ng talent management ng ABS-CBN para makakuha ng projects, pero hindi regular na iyon sana ang gusto ng aktor dahil nga may binubuhay siyang pamilya.

Base sa kuwento ni Tita Becky, ”Jon was introduced to me by Jan Enriquez (former PR of ABS-CBN Corporate Communication) who is very close friend of Jon eversince he started in ABS-CBN.)

“Jon mentioned to Jan that he is no longer with Star Magic and he is open to getting a new management to further advance his career.

“Jan then recommended me so we sat down for a casual dinner and instantly we hit it off. I felt his sincerity as a person and he is a young dad who wants to have his second chance for his family.

“I’ve always believed Jon has what it takes to make it in the industry so hindi ako nagdalawang isip to get him in my agency.

“Everything just fell into place and even with Star Magic. Jon parted ways amicable. We are excited for his new journey with him,” kuwento pa ni Tita Becky sa amin.

Hindi man aminin ng talent manager na nasa Kapuso Network na ang aktor ay nag-post naman ang Solid Kapuso Updates ng, ”SCOOP: Former Kapamilya actor and former Hashtag member Jon Lucas spotted on the shoot of the latest folio for GMA Artist Center – One proof of his move to the Kapuso realm of artists.”

Anyway, bago ianunsiyo ng Becky Aguila Artists Management na nasa kanila na si Jon ay nagpaalam ng maayos ang aktor sa Star Magic at pinasalamatan niya isa-isa ang lahat ng nakatrabaho niya sa ABS-CBN.

“Hello Kapamilyas all around the World! Just wanna say thank you for everything! Thank you for the love that you gave me and my family 🙂 Thank you for the wonderful 6 years you’ve given me! I will forever be grateful and blessed to be part of your wonderful Family!

“Maraming salamat sa mga oportunidad na binigay niyo sakin. Oportunidad na totoong nagpabago sa aking buhay bilang isang tao. Mga Oportunidad din na sinayang ko ng maraming pagkakataon.

“Alam ko kung gaano niyo ko pinahalagahan noong una akong tumapak sainyong tahanan, ramdam ko yon at ng aking buong pamilya. Ngunit alam ko rin na ako’y lubos na nagkulang sainyo, lalo na sa mga taong malalapit sakin, na noong una ay labis labis ang pagtulong sakin para maabot ko ang aking mga pangarap. Lubos po akong nagpapasalamat sainyo! Salamat sa sakripisyo at pang-unawa na hindi matatawaran. SALAMAT SA LAHAT NG MGA BOSS! MARAMING SALAMAT SA STARMAGIC FAMILY KO!! MARAMING SALAMAT SA IT’S SHOWTIME FAMILY KO na mga naging Kapamilya kong tunay sa mga nagdaang taon.

“Salamat sa Malupit kong handler na si Ate Gidget Dela Cuesta. Sa loob ng anim na taon na katigasan ng ulo ko eh tinuring niya ako bilang anak (na pasaway) gayunpaman Maraming salamat sa mga payo at saway mo! Salamat sa lahat ng Road Managers ng Starmagic na matiyaga kaming iningatan at inalagaan!

“Salamat din sa mga kaibigan ko sa industriya! Diko na kayo iisa-isahin basta lahat ng nakatawanan ko, nakasama ko sa kalungkutan, sa kalokohan, sa mga meetings na malapit na kamo kami alisin! kayo ay tinuring kong mga kaibigan. DABEST KAYO!!

“Salamat din sa mga Marshalls, Art Dept, CamDept, Utilities, Security Guards, at sa mga Masisipag na tagapaglinis ng TAHANAN ng ABS-CBN! Kahit hindi tayo magkakakilala basta magkasalubungan tanguan agad na parang may secrets tayo sa isat isa. Mamimiss ko kayo kabatian pag magkakasalubong tayo! 

“SALAMAT SA MGA FANS! Na naging tunay na kaibigan at kapamilya! Kung may pinakamahusay magtiyaga para sa taong mahal nila, ay KAYO YON! Hindi matatawaran ang hirap at pagod niyo para lamang samin. Hindi namin kailanman masusuklian yung efforts niyo! Ang kaya lang namin gawin ay mahalin din kayo tulad ng pagmamahal niyo samin!”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top