Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden, tiyak na papatok
Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden, tiyak na papatok

Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden, tiyak na papatok

MUKHANG maganda ang magiging resulta kapag nag-showing na ang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema.

Sunod-sunod kasi ang ingay at kung ano-anong balita ang kumakalat. Naroong sabihing bibilhin lahat ng tiket para ipamigay sa fans para mapuno ang mga sinehan.

Por diyos por santo, mabubutas ang bulsa ng fans kahit sabihing mayayaman. Nababalita ring lilipat na si Alden sa Kapamilya kahit sa Kapuso siya sumikat at nagkapangalan.

Anyway, who knows baka totoo ‘yung kasabihang where the grass is greener dapat doon ka lang. Hintayin na lang natin kung totoo ang mga tsismis na ito.

Pang-aakit ni LT kay Rowell, umepekto kaya?

DATI pangiti-ngiti lang ang drama ni Lorna Tolentino sa Ang Probinsyano pero ngayon mukhang mahuhulog pa sa kamay niya si Rowell Santiago na paiibigin.

Gusto kasing maging first lady ni LT dahil Pangulo ng bansa ang karakter na ginagampanan ni Rowell.

Komento ng iba, kadali namang nakalimutan ni Rowell ang malagim na nangyari sa buhay ng pamilya niyang sina Dawn Zulueta, Ryza Cenon at iba pa.

Lahat ng pagbait-baitan ay ginawa ni LT para mapasakamay si Rowell.

Paano kaya tutuldukan nina John Arcilla, Baron Geisler, at Gardo Versoza ang ambisyon ni lorna?

Sen. Bong Go, tutulong sa movie industry

MAGANDA ang ipinangako ng bagong upong senador, Bong Go na tutulungan niya ang pelikulang Filipino, Hindi niya ito pababayaang matalo ng mga dayuhang producer na humahakot ng pera ng mga Filipino sa ibinabayad na pagtangkilik sa pelikulang banyaga.

May nagkomento na dapat para matupad ang layunin ni Go ay ibahin ang tema at pagandahin ang tema ng pelikulang Filipino. Kung puro  kabaklaang joke, kalokohang istorya, sampalan, murahan, at patayan ang mapapanood, tiyak hindi tayo mananalo sa mga dayuhan.

Dapat matitinong pelikula ang gawin ng mga prodyuser.

Paglilinis ng Kamaynilaan ni Mayor Isko, inaabangan

ANONG klase kayang pamamaraan ang gagawin ng uupong bagong mayor ng Manila, Isko Moreno para linisin ang Maynila?

Paano malilimas ang mga nagkalat na basura at pulubing nagkalat sa kalye at mga pabitin-bitin sa mga jeepney? Paano ibabalik ang kagandahan ng Lacson underpass na nagkaroon ng mall sa basement ng Kamaynilaan?

Well, young blood si Mayor Isko tiyak may pamamaraan siya para sa bagay na ito.

Pagpapagawa ng Baliuag market, hiling kay Mayor Estrella

MAUUPONG muli bilang mayor ng Baliuag, Bulacan si Ferdie Estrella at nangako ng magagandang bagay para sa mga constituent niya.

Sana isama na ni mayor ang pagpapagawa sa palengke ng Baliuag na napakaputik. Kawawa ang mga namamalengkeng senior citizen na baka sa halip na maiuwi sa kanilang bahay ang mga pinamili ay sa ospital mauwi dahil nadulas sa dumi ng market.

Anita Linda, napaluha sa sinapit na aksidente ni Manoy Eddie

NOONG bigyan ng parangal si Ms. Anita Linda, may nakadinig kay Rosanna Roces na naitanong nito ang aksidenteng nangyari kay Manoy Eddie Garcia.

Napaluha raw si Ms. Anita at sinabing napakabait na artista ni Manoy.

Naikuwento pa niyang noong araw dahil lang sa pagkukuwentuhan nakaubos sila ng isang case ng beer. Isa iyon sa paraan ng kanilang bonding habang may pelikula sila na hindi pa naipalalabas, ang Circa

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top