Monday , July 6 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte nabahala sa US-China trade war
Duterte nabahala sa US-China trade war

Duterte nabahala sa US-China trade war

NAGPAHAYAG nang pagkabahala si Pangu­long Rodrigo Duterte sa nagaganap na US-China trade war.

Sa intervention ni Pangulong Duterte sa ASEAN Plenary sa Bang­kok, Thailand, sinabi ni­yang gumagawa ng un­certainty o duda ang nagpapatuloy na girian ng US at ng China sa usapin ng kalakalan.

Sinabi ni Duterte, posibleng magdulot ito ng pagbagal o maka­pigil sa Economic integration sa ASEAN Region.

Dapat aniya ay resol­bahin ng US at ng China ang issue bago pa lumala at dapat din palakasin ng ASEAN Countries ang suporta sa rules-based at open na multilateral trading system.

Binigyang-diin  ni Pangulong Duterte na dapat ay tutulan ng ASEAN ang zero-sum approach sa international economic relations at suportahan ang ASEAN single window na mas matibay na hakbang para sa mas mabilis na cross-boarder trade. Paliwanag ng Pangu­lo, sa pagsulong ng paglago ng ekonomiya, dapat ay hindi compe­titors ang tingin ng bawat isa kundi kabahagi sa paglago.

(Rose NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top