Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 14-wheeler truck nilamon ng lupa sa Malate, Maynila
14-wheeler truck nilamon ng lupa sa Malate, Maynila

14-wheeler truck nilamon ng lupa sa Malate, Maynila

LUMUSOT sa drainage ang isang 14-wheeler truck na puno ng buha­ngin sa kanto ng Reme­dios St., at Roxas Blvd., sa Malate. Maynila  kaha­pon ng madaling araw.

Ayon sa driver ng truck na si Michael Lagco, galing sila sa Porac, Pampanga at magba­bagsak ng buhangin sa Baywalk sa Manila Bay.

Nabatid na sarado umano ang southbound lane ng Roxas Blvd., dahil sa fun run kaya hindi sila pinapasok at ginawang alternatibong daan ang bahagi ng kalye ng Remedios, kung saan nangyari ang insidente.

Dalawang magkas­unod na truck ang du­maan sa lugar at nasa pangalawa ang mina­maneho ni Lagco nang biglang lumusot o mahu­log ang likurang bahagi nito sa kalsada na isa palang drainage na mala­lim patungong Manila Bay.

Isinailalim sa imbes­tigasyon si Lagco baga­mat kompleto ng doku­mentong ipinakita sa pulisya.

Dumating sa lugar dakong 10:00 am, ang backhoe para alisin ang buhangin upang mada­ling maiangat ng crane ang trak.

Walang nasugatan sa insidente.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top