Sunday , August 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Congw. Vilma Santos hindi pa sure sa tambalan nila ni Alden Richards (Hindi raw nagustohan ang script)
Congw. Vilma Santos hindi pa sure sa tambalan nila ni Alden Richards (Hindi raw nagustohan ang script)

Congw. Vilma Santos hindi pa sure sa tambalan nila ni Alden Richards (Hindi raw nagustohan ang script)

AYON mismo sa text message ni Congw. Vilma Santos sa close sa kanyang movie scribe na si Jun Nardo, hindi pa final ‘yung movie na inialok sa kanya na makaka-partner si Alden Richards na ididirek sana ni Adolf Alix, Jr.

Sabi ay kasama rin dito si Gabby Concepcion at intended daw ang movie sa Metro Manila Film Festival 2019. Pero inilinaw nga ni Ate Vi kay Tito Jun na hindi pa niya tinatanggap ang project dahil hindi approve sa kanya ang script at gusto raw niya kung gagawa siya uli ng pelikula ay ‘yung bago naman.

Feel rin daw ni Ate Vi, na makagawa ng mala-Rainbows Sunset na movie na pinagbidahan nina Gloria Romero, Eddi Garcia at Tony Mabesa.

So sa Vilmanians, huwag munang mag-expect na may entry sa MMFF ang inyong idol na actress-politician.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top