Wednesday , November 5 2025

Ai Ai, nakahanap ng katapat

ISA kami sa nangawit ang panga sa katatawa nang mapanood ang Feelennial movie nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani. Nakahanap ng katapat si Ai Ai kay Bayani kung komedya ang pag-uusapan.

Mahusay talaga si Bayani kaya naman akmang tawagin siyang Comedian for all Season dahil bawat bitaw niya ng dialogue, tiyak na matatawa ka.

Buong akala nami’y wala nang bagong mapapanood sa Feelennial lalo pa’t karamihan ng comedy film ni Ai Ai ay napanood na namin. Sabi ko nga, baka wala nang bagong maipakita si Ai Ai. Pero nagkamali kami dahil mahusay ang pagkakadirehe ni Rechie del Carmen gayundin ang mga dialogue, ang husay!

Click din ang tandem nila kaya nakahanap ng leading man si Ai Ai sa katauhan ni Bayani. Magkasundo ang mga pagpapatawa nila. Kaya  sinumang manonood ng Feelennial, tiyak na hindi manghihinayang sa ibinayad sa sinehan. Dahil simula hanggang ending, tatawa kayo.

Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Feelennial na produce ng Cignal Entertainment at DSL Productions ni Pops Fernandez.

Bongga ang ginanap na premiere night kamakailan sa SM Megamall dahil sinuportahan iyon ng big boss ng TV5 na si Manny Pangilinan gayundin ni Gov. Chavit Singsong. Naroon din ang dating asawa ni Pops na si Martin Nievera na may special participation sa pelikula.

Palabas na ngayon ang Feelennial sa mga sinehan kaya sugod na para sumaya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Tan Meowffin Town Cat Cafe

Bianca Tan protektado fur babies sa negosyo

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging aktres ay pinasok na rin ang pagnenegosyo ni Bianca Tan via …

Jovan Dela Cruz Alexis Castro

Celebrity designer Jovan Dela Cruz nagbukas ng 4 na negosyo

MATABILni John Fontanilla BUKOD sa pagiging sikat at celebrity designer, may iba’t ibang negosyong binuksan …

Fifth Solomon Chariz Solomon

Direk Fifth naki-bonding sa ina at Japanese sister sa Japan 

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Japan si Fifth Solomon para magbakasyon at pasyalan ang kanyang ina at …

Ogie Alcasid Odette Quesada Francis Magalona

Ogie may pa-tribute kay Francis M sa Q&A

HARD TALKni Pilar Mateo OA naman talaga ang clamor para sa repeat ng pagsasama ng …

Dondon Nakar

Dondon Nakar ng Apat na Sikat yumao sa edad 66 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SIGURADO kaming nalungkot si Gov. Vilma Santos sa balita ng pagyao ni Dondon Nakar, …