Tuesday , February 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sa Speakership race… Beteranong solon hindi OJT para sa Kamara — Defensor
Sa Speakership race… Beteranong solon hindi OJT para sa Kamara — Defensor

Sa Speakership race… Beteranong solon hindi OJT para sa Kamara — Defensor

KOMPORME tayo sa sinasabing ‘yan ni Anakalusugan representative-elect Mike Defensor na hindi isang on the job training (OJT) ang pagiging House Speaker.

Sa simula pa lang dapat ay taglay ng kumakandidatong Speaker ang katangian ng isang magaling na lider, pangunahin ang may sapat na experience at competence.

“The next Speaker should carry the needed legislative reforms of President Rodrigo Duterte from day one and that there is no room for an on-the-job training (OJT). The next Speaker should be Speaker from day one. He should know what to do the very minute he sits as the country’s fourth highest official of the land,” sabi ni Defensor.

Kumbaga, may “K” si Defensor na sabihin ito bilang dating chief of staff noong Arroyo administration.

Kaya klaro na wala kay Rep. Lord Allan Velasco ang katangian para maging House Speaker na ngayon ay iniuugnay sa suhulan sa kongreso para sa speakership na umano ay pino­pon­dohan ng isang business tycoon.

Arayku!

So young and yet so… (?)  kayo na ang bahalang magdugtong.        

Kaya nga kung si Defensor ang tatanungin, sina Leyte Rep. Martin Romualdez at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang angat para maging susunod na House Speaker.

“They both have the leadership depth and the capacity to navigate the House in terms of needed legislation. They have the experience, competence and caliber to lead the members of the House,” klarong pahayag ni Defensor.

Ayon naman sa political analyst, kahinaang maituturing na hindi kilala si Velasco sa loob at labas ng House of Representatives at lalong hindi napansin ang kanyang partisipasyon o hindi nanguna kahit kailan sa mga diskusyon sa ilang mahahalagang isyu ng bansa.

Una nang sinabi ni UP Professor Ranjit Rye, krusyal sa Duterte administration ang nalalabing 3-taon termino kaya makatutulong nang malaki kung ang mahihirang na House Speaker ay sanggang-dikit ni Pangulong Duterte na mayroon nang magandang working relation­ship sa Pangulo at umpisa pa lamang ay alam na ang hangad at prayoridad na legislative measures.

Aprub tayo riyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top