Thursday , February 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / 158 kaarawan ni Dr. Jose Rizal ginunita sa Calamba, Laguna
158 kaarawan ni Dr. Jose Rizal ginunita sa Calamba, Laguna

158 kaarawan ni Dr. Jose Rizal ginunita sa Calamba, Laguna

IPINAGDIWANG ang ika-158 na kaarawan ni Dr. Jose Rizal, ang pam­ban­sang bayani ng Fili­pinas na ginanap sa Museo ni Dr. Jose Rizal kahapon, 19 Hunyo.

Ipinanganak noong 19 Hunyo 1861 sa mag-asawang sina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso sa Calamba, lala­wigan ng Laguna.

Nakiisa sa pagdiriwang ang iba’t ibang samahan sa bahagi ng Calamba, Lagu­na.

Ginanap ang sentro ng selebrasyon sa Rizal Shrine, na kinaroroonan ng bahay ng pamilya ng Pambansang Bayani.

Nagsimula ang pagdi­riwang dakong 8:00 am sa pamamagitan ng pagta­taas ng bandila na sinun­dan ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal.

Panauhing panda­ngal sa okasyon si Senator Cynthia Villar at mga lokal na opisyal ng Calamba.

(BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top