Thursday , October 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 5-anyos totoy, nilapa ng 10 aso (Pinabayaang makalabas ng bahay)
5-anyos totoy, nilapa ng 10 aso (Pinabayaang makalabas ng bahay)

5-anyos totoy, nilapa ng 10 aso (Pinabayaang makalabas ng bahay)

PATAY ang isang 5-anyos batang lalaki nang atakehin ng halos 10 aso sa Bara­ngay Aguada, lungsod ng Isabela, sa lalawigan ng Basilan nitong madaling araw ng Lunes.

Sa ulat, sinabing naglala­kad mag-isa ang bata na napabayaang lumabas mag-isa ng kanilang bahay da­kong 2:00 am nitong Lunes nang makasalubong ang mga aso.

Nakita umano ng isang pulis ang batang lalaki at agarang dinala sa Basilan Community Hospital.

Nagsitakbohan ang mga aso makalipas ang insidente.

Pagsapit ng hapon ay dinala sa lungsod ng Zam­boanga ang bata ngunit bina­wian ng buhay nitong Mar­tes.

Iniuwi na ang labi ng bata sa lungsod ng Isabela, at doon nakatakdang ilibing.

Hindi matukoy kung bakit lumabas ng bahay ang bata nang walang kasama.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top