Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Jeep na nagka-cutting trip sa Maynila tatanggalan ng prankisa
Jeep na nagka-cutting trip sa Maynila tatanggalan ng prankisa

Jeep na nagka-cutting trip sa Maynila tatanggalan ng prankisa

NAGBANTA si Manila Mayor elect-Francisco “Isko” Moreno Domagoso na patatanggalan niya ng prankisa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng drivers na irereklamong magka-cutting trip sa kanilang biyahe sa Maynila.

“Huwag na nilang hintayin ang July 1, ngayon pa lamang ay sumunod na sila, hindi iyong nagbabayad nang buo ang pasahero para sa biyahe tapos puputulin nila, ako mismo ang pupunta sa LTFRB para ipatanggal ang kanilang mga prankisa,” ani Moreno.

Ayon kay Moreno, iyong mga pampasaherong jeep na may rutang Divisoria-Baclaran dapat dumeretso sa Juan Luna, kumanan sa Recto at Soler bago kayo bumalik sa Baclaran.

Gayondin iyong may rutang Cubao-Divisoria, binalaan ni Moreno na tatanggalan ng prankisa kapag nag-cutting trip.

Sinabi ng alkalde, maaaring magderediretso na ang lahat ng pampasaherong jeep dahil wala nang sagabal sa kalsada.

Kasabay nito, hinamon niya ang publiko na pumasyal sa Divisoria para mapatunayan na maluwag na ang mga kalsada.

Ginawa ni Moreno ang pahayag nang magpunta sa Manila City Hall kahapon para mag-courtesy visit kay outgoing Manila Mayor Joseph Estrada na buong pagpapakumbaba niyang hinarap.

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top