Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Walang moral values? Dragon Lady ni Janine Guttierez puro awayan, sampalan at sabunutan
Walang moral values? Dragon Lady ni Janine Guttierez puro awayan, sampalan at sabunutan

Walang moral values? Dragon Lady ni Janine Guttierez puro awayan, sampalan at sabunutan

SIGURO ay pawang bitter sa buhay ang writers ng “Dragon Lady” na pinagbibidahan ni Janine Guttierez, wala kasing episode ang teleserye na ito sa GMA kundi awayan, sampalan, at sabunutan sa pagitan ni Janine at ng mag-inang Joyce Chingching at Maricar de Mesa. At ang da height pati supporting cast ay nag-aaway din di ba, nakaiirita at walang moral values na natututuhan sa soap. Saka hindi naman yata ito nagre-rate na madalas talunin ng katapat na “Nang Ngumiti Ang Langit” na napapanood sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN2.

Tapos ‘yung isa pang teleserye ng Kapuso na “Bihag” todo rin ang komprontasyon ng lead actors na sina Max Collins, Jason Abalos at Sophie Albert. Siguro dapat naman ay bawas-bawasan nila ang awayan at lagyan nila ng positive o feel good scenes ang kanilang mga serye lalo’t napapanood ito ng mga bata.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top