Wednesday , August 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pops, mas gustong mag-produce, kaysa umarte
Pops, mas gustong mag-produce, kaysa umarte

Pops, mas gustong mag-produce, kaysa umarte

AMINADO si Pops Fernandez na hindi madali ang mag-artista kaya  magpo-focus muna siya sa pagpo-produce.

Sa presscon ng Feelennial na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani na produce ng kanilang kompanya, ang DSL Productions na ginawa sa Cities Events Place noong Biyernes, sinabi ng Concert Queen na, ”Mahirap mag-artista. Hindi naman sa tinatalikuran ko ang pag-arte. Malay natin sa mga susunod na panahon aarte pa rin ako. May cameo role naman ako rito. Kaya okey na ‘yun for the meantime.”

Sinabi ni Pops na gusto niyang pasiglahin muli ang kompanyang itinayo ng kanyang inang si Ms. Dulce Lucban. Hindi nga naman siya magiging isang Pops Fernandez kundi dahil sa DSL na nag-produce ng kanyang mga concert.

“DSL is my mom,” ani Pops. ”Siyempre sa 40 years ko sa showbiz, sa lahat ng concert ko, ito ang nag-produce. Gusto kong i-continue for my mother dahil naging ganito ako at very successful ako dahil sa DSL,” paliwanag pa ni Pops na hindi malayong maging isang successful film producer.

Puring-puri nga si Pops ng director ng kanilang pelikulang Feelinnial, si Direk Rechie del Carmen dahil sobrang hands on nito. ”Lagi siyang nagtatanong sa amin kung ano kailangan. Halos araw-araw naka-report siya. Hindi niya kami pinababayaan. At kapag may kailangan kami o kapag nag-text kami, nakasagot agad yan,” ani Direk Rechie kay Pops.

Happy naman si Pops sa kinalabasan ng kanyang pelikula lalo’t mga kaibigan niya ang bida.

Aniya kay Bayani, ”napakadali niyang katrabaho. Very helpful siya at naiintindihan niya ang sentiments ng producer.”

Lucky charm naman kung ilarawan niya si Ai Ai. ”Si Ai Ai, ilang beses ko nang naktrabaho ‘yan at lahat naman successful ‘yun. Kaya nga lucky charm ko ‘yan eh,” giit pa ni Pops.

Romcom movie ang Feelennial na ukol sa middle-aged individuals na nagpi-feelking at umaarteng millennial. Sila iyong mga tito-tita na pinipilit ma-adopt ang lifestyle ng younger generation.

Sa June 19 na ito mapapanood at kung ibabase namin sa trailer, tipong maganda ang pelikula lalo’t tunay na nakatatawa si Bayani. Nakita rin naming may chemistry silang dalawa ni Ai Ai. Kaya watch na kung gusto ninyong sumaya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top