Wednesday , August 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jessa Laurel, puwede sa international musical broadway gaya ng Miss Saigon at Les Miserables
Jessa Laurel, puwede sa international musical broadway gaya ng Miss Saigon at Les Miserables

Jessa Laurel, puwede sa international musical broadway gaya ng Miss Saigon at Les Miserables

Lahat nang makarinig ng version ni Jessa Laurel ng “Via Dolorosa” na madalas kantahin ni Lea Salonga ay iisa lang ang feedback o sinasabing puwedeng-puwedeng sumabak si Jessa sa local and international musical broadway gaya ng Miss Saigon at Les Miserables na parehong tanyag sa bansang London.

May nagkomento pa sa angking world-class talent na si Jessa ay siya ang bagay na maka­duweto ni Jed Madela. Nang iparating namin ito sa aming alaga ay sobrang na-flattered siya at sa kabila ng kanyang pagiging baguhan sa showbiz ay may ilan nang nakaa-appreciate ng kanyang talento na bigay sa kanya ng Diyos.

And sana raw magdilang anghel ‘yung mga bilib sa kanya na in the future ay mapasama siya sa isang international musical broadway.

“If given a chance siyempre pinapangarap ko na makatrabaho si Ms. Lea Salonga and Monique Wilson na parehong veteran sa international broadway musical play. And sana mangyari ito dahil isa ito sa biggest dream ko kaya pinasok ko ang showbiz,” sey pa ng singer-model naming talent.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top