Wednesday , September 24 2025
dead gun

Hinihinalang gun runner patay sa encounter

TODAS ang isang hinihinalang miyembro ng gun-running syndicate matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy bust operation of firearm sa Caloo­can City, kamaka­lawa ng gabi.

Dead on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang sus­pek na kilalang si Jimverick Infante alyas Jimboy, na­ka­suot ng athletic police uniform na may marking na ‘Pulis’ at gray short.

Sa nakarating na report kay acting Caloocan chief of police, P/Col. Noel Flores, dakong 10:45 pm nang ikasa ng mga tauhan ng Caloocan Police Intelligence Branch ang buy bust operation of firearm kontra sa suspek sa loob ng isang abandonadong compound sa Malaruhat St., Brgy. 179, Amparo.

Dito natunugan ng suspek na isang undercover police ang kanyang katransaksyon kaya bigla niyang itinulak ang poseur-buyer sabay naglabas ng baril at pinaputukan ang pulis na mapalad na hindi tinaman.

Nagawang makaganti ng mga putok ang police poseur-buyer hanggang tamaan sa katawan ang suspek na nagresulta ng kanyang kamatayan. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …