Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 4 sangkot sa droga timbog sa text message
4 sangkot sa droga timbog sa text message

4 sangkot sa droga timbog sa text message

ARESTADO ang isang hinihinalang drug pusher at apat na kasama sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City matapos maka­tang­­gap ng text mes­sages  ang mga awto­ridad.

Sa ulat, unang nakatanggap ng text message ang Valenzuela City Police mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipinadala ng con­cerned citizen sa hotline number ng NCRPO hinggil sa illegal acti­vities ng isang Victor De Jesus, 48, residente sa Felix Ville Subd., Brgy. Dalandanan.

Agad siyang isina­­ilalim sa apat na araw na surveillance operation ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enfircement Unit (SDEU) at nang makom­pirma ang impormasyon, ikinasa ng mga operatiba ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr., laban kay De Jesus sa labas ng kanyang bahay.

Nagawang makaiskor sa suspek ng isang schet ng shabu ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P200 marked money at nang magbigay ng signal ang pulis na nagka­abutan na, agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka sinung­gaban si De Jesus.

Narekober sa suspek ang buy bust money, isang pouch na naglala­man ng dalawang sachet ng shabu at P300 cash.

Kasamang nadakip sa operation si Danilo Aload Jr., 41, Marlon Gonzales, 49, Argienel Compasion, 26, at Rodrigo Sising, 50, mata­pos makuhaan ng tig-isang sachet ng hinihi­nalang shabu.

Kaugnay nito, nag­pa­hayag ng pasasalamat si acting Valenzuela City chief of police, P/Col. Carlito Gaces sa con­cerned citizen na nag­bigay ng tip sa pulisya hinggil sa ilegal na akti­bidad ng mga suspek.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top