Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Glen Vargas, angat sa Star Magic Circle 2019
Glen Vargas, angat sa Star Magic Circle 2019

Glen Vargas, angat sa Star Magic Circle 2019

ISA sa frontliner sa Star Magic Circle 2019 ang singer /actor na si Glen Vargas o dating Arkin Del Rosario na miyembro ng sumikat na grupong XLR8 at naging regular mainstay ng defunct Kapuso midnight variety show,  Walang Tulugan.

Bukod sa husay kumanta at sumayaw, magaling din itong umarte dahil minsan na rin naging theater actor. Naging nominado na rin siya sa Star Awards For Movies sa pelikulang Pagari.

Nagkaroon na rin ito ng teleserye noon sa Kapuso Network at mangilan-ngilang pelikula sa Viva Films plus factor pa ang kaguwapuhan kaya naman masasabi naming angat sa ibang ini-launch sa mga lalaking batch ng Star Magic Circle 2019. At ngayong Kapamilya na ay tiyak na mas kikinang ang kanyang bituin . Kaya naman abangan ito sa iba’t ibang programa ng  Kapa­milya Net­work.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top