Sunday , October 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, madalas kasama ng gay politician lover

Aktor, madalas kasama ng gay politician lover

MASYADO na kasing obvious ang sideline ngayon ng isang male star. Madalas niyang katagpo ang noon pa ay gay politician lover niya sa isang resort sa Central Luzon. Madalas din naman siyang makitang kasama ang isang gay millionaire realtor sa isang five star hotel sa Makati. Minsan nakikita rin siya sa condo ng gay millionaire realtor.

Noong araw pa, suma-sideline na rin iyan pero namimili naman siya ng sasamahan, hindi gaya noong hindi pa siya sikat na artista sa probinsiya nila na inaabangan lang siya sa basketbolan. Ngayon ewan kung talagang mahigpit ang pangangailangan niya at nagkaganyan na siya ulit.

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top