Friday , February 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / KC, sa isyung buntis: Sana nga buntis ako, kaso hindi!
KC, sa isyung buntis: Sana nga buntis ako, kaso hindi!

KC, sa isyung buntis: Sana nga buntis ako, kaso hindi!

BINASAG ni KC Concepcion ang matagal na pananahimik sa social media nang may nagbirong hiwalay na sila ng French boyfriend na si Pierre Plassart.
Pinasinungalingan din ng anak ni Sharon Cuneta ang bintang ng isang netizen na buntis siya.
Sa Instagram, ipinagpilitan ng isang netizen na hiwalay na sina KC at Plassart dahil hindi na nagpo-post ng mga picture ang aktres na madalas ginagawa nito noon.
Anang netizen, “Wala ng balita about your boyfriend. Dati panay ang post pero ngayon wala na. Ganun lang ba yun? Ganun lang ka shortlived?”
Na sinagot naman ng aktres ng, “Dahil hindi nagpopost at may konting privacy, ganun agad? Grabe.”
Sinagot din ni KC ang netizen na nagbintang na buntis siya. Aniya, “Oh how I WISH I could be pregnant. Unfortunately, I’m not. I do want to have babies already though.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top