Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aiko, back-to-back ang nominasyon
Aiko, back-to-back ang nominasyon

Aiko, back-to-back ang nominasyon

SI Aiko Melendez ay nominado rin sa Star Awards For Movies para sa Best Supporting Actress category para sa pelikulang Rainbow’s Sunset, na gumanap siya bilang isang mayor.

Sa EDDYS Choice ay nominado rin siya for Best Supporting Actress para rin sa nasabing pelikula.

Nanalo na si Aiko bilang best supporting actress sa 2018 Metro Manila Film Festival at sa Gawad Pasado para rin saRaibow’s Sunset. Kaya naman sa kanyang Facebook post, ay sinabi niyang, ”Maraming salamat po sa back to back nominations ko po for Star awards and Eddys awards. Napakalaking karangalan po ang ma-nominate po. First time ko po manominate sa EDDYS awards salamat po  ganito pala ang pakiramdam na sunod sunod po ang pagkapanalo at ngayon naman pagkanominate po  Sana kahit isa dito manalo ako ahahahha! To God be the glory! First time na back to back ako manominate! Lord Jesus salamat po  ang saya lang po!  (ROMMEL PLACENTE)

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top