Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / P2-M shabu kompiskado, 17 katao timbog sa Maynila
P2-M shabu kompiskado, 17 katao timbog sa Maynila

P2-M shabu kompiskado, 17 katao timbog sa Maynila

TIMBOG ang 17-katao sa serye ng buy bust operation na ikinasa ng MPD Station 10 Drug Enforcement Unit. Unang naaresto ng mga operatiba ang anim na suspek sa droga sa Kalihum, Pandacan na ininguso ang source na pinagkukuhaan sa isang hotel sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang source na isang alyas Lovely at ang kanyang live-in partner na nasamsaman ng 85 gramo ng shabu.

Ikinanta ng dalawa ang pinagkukuhaan na sina alyas Cindy, 17 anyos, at tatay nito na si alyas Basit, na nagresulta sa pagkadakip rin sa supplier nila na si alyas Anwar sa Quiapo, Maynila.

Nakuha ang 200-gramo ng shabu sa tatlong suspek at nadakip ang anim pang indibidwal na umiiskor naman kina alyas Cindy at Basit sa Paco. Maynila.

Tinatayang nagkakahalaga ng P2 milyon ang 285 gramo na nakompiska sa mga suspek sa pinaigting na kampanya kontra droga ni MPD director P/BGen. Vicente Danao Jr

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top