Thursday , April 25 2024

Navotas child protection unit pinasinayaan

BINASBASAN ang Women and Child Protection Unit sa Navotas City Hospital na ipinag­mamalaki  nina  Navotas City Mayor at ngayon ay congressman-elect John Rey Tiangco at nakakatandang kapatid na si mayor-elect Toby Tiangco kahapon ng umaga.

Bukod sa Tiangco brothers, dumalo rin sa blessing at inagurasyon sina vice mayor elect Clint Geronimo, Dra. Christia Padolina, hehe ng nasabing ospital, Father Pol, department heads, at hospital staff, councilors Neil Cruz at Arnel Lupisan, mga empleyado at doktor.

Ayon sa batang Tiangco, hindi biro ang duma­nas ng physical, emotional harassment, sexual abuse, depression at emotional violence na humahantong sa pagpapatiwakal ng biktima.

Sa tulong ng Consuelo Foundation, mga doktor, pulisya, social workers at lokal na pamahalaan, matutuldukan ang mga pang-aabuso sa mga kabataan  alinsunod sa isinabatas na Women and Children Act noong 1997 ngunit 90 units lamang ang Children’s Protection Unit.

Sinabi ni mayor-elect Tiangco, ipagpapatuloy niya ang mga proyekto at programang nasimulan ng sinundan niyang alkalde sabay pakiusap na pagbutihin at iparamdam sa mga pasyente ang nararapat na serbisyo.

Mag-iiba umano ang kanyang management style sa pagpapatakbo sa kanyang pamunuan.

Nagpasalamat din ang magkapatid sa lahat ng sumuporta sa kanila nitong eleksiyon at muling pinagkatiwalaan ng mga Navoteño.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *