Wednesday , June 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Karen, namali ng ingles dahil sa pagka-star-struck kay Vico
Karen, namali ng ingles dahil sa pagka-star-struck kay Vico

Karen, namali ng ingles dahil sa pagka-star-struck kay Vico

MEDYO bumaba ng ilang baitang lang naman ang mataas naming paghanga kay Karen Davila pagdating sa fluency sa pagsasalita ng Ingles.

Natisod namin ang kanyang interbyu kay Vico Sotto bago ganapin ang eleksiyon sa kanyang programa. Obyus na na-starstruck, kundi man naguwapuhan siya kay Vico (na tumakbo at nanalong mayor ng Pasig City).

Kung sabagay, simpatico naman talaga ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes. Pero mas lutang ang nasa pagitan ng dalawang tenga nito.

AB Political Science ba naman ang kursong tinapos, at sa Ateneo pa, huh!

Anyway, twice sinabi ni Karen kay Vico na, “You’re really the ‘splitting image’ of your dad!”

Ang sakit sa ‘spit ends’!

(RONNIE CARRASCO III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top