Friday , August 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Eugene Domingo, wala nang balak magkaanak!
Eugene Domingo, wala nang balak magkaanak!

Eugene Domingo, wala nang balak magkaanak!

Sa edad niyang 47 years old, wala na raw sa plano ni Eugene Domingo ang manganak.

Gusto na lang daw niyang mag-enjoy at mag-travel.

“I mean, I care for the children, pero siguro ‘yung mga pamangkin ko o ‘yung mga magiging apo ko sa pamangkin ko, ‘yung mga inaanak ko…

“Mayroon akong mother instinct, pero okey na sa akin ‘yung mother instinct.”

Kaya raw ina-admire niya si Marian Rivera dahil nanay siya from head to toe.

Anyhow, dahil very much fertile pa ang kanyang egg cells, puwede pa raw siyang magkaroon ng anak through in vitro fertilization.

But she doesn’t have any plans of having a baby at this stage in her life.

Thankful na raw siya na nakatutulong sa kanyang pamilya, sa mga pamangkin niya at sa ibang tao.

Nakausap ng press si Eugene sa set ng Dear Uge, ang Sunday comedy anthol­ogy niya sa GMA-7 na three years nang namamayagpag sa ere.

Lalo raw nilang pina­gaganda ang bawat episodes nito para sa televiewers na feel mag-relax tuwing Linggo.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very. very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top