Thursday , June 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagkatalo ng Estrada-Ejercito, malaking indulto
Pagkatalo ng Estrada-Ejercito, malaking indulto

Pagkatalo ng Estrada-Ejercito, malaking indulto

KUNG tutuusin, isang napalaking indulto para sa pamilya Estrada-Ejercito ang pinagsama-samang kabiguang tinamo nito nitong nakaraang mid-term elections.

“Ola chica” as in olats ang patriarch nitong si Erap Estrada sa Maynila na inilampaso nang bonggang-bongga ni Isko Moreno.

As if this weren’t enough, laglag din ang dyunakis ni Erap na si Jinggoy sa pagka-senador, rubbing his defeat off on her daughter sa pagka-mayor naman sa San Juan City.

Laglag din si ER Ejercito na pamangkin ni Erap, so was Gary Estrada.

So, what is this telling us?

Simple lang, tapos na ang maliligayang araw ng angkang ito na napakatagal nang namayagpag sa larangan ng politika, yet sa kabila nito’y hindi naman ramdam ng taumbayan ang mga ipinangako nilang magandang kinabukasan.

Sino, si Erap? Thank God, had he won ay tiyak na sisimulan na ang Manila Bay reclamation nang walang pakundangan sa mga magiging masamang epekto nito.

Sino, si Jinggoy? Susme naman, sa tagal ng pagkakakulong niya, mayroon ba siyang naging accomplishments na tulad ng matalik niyang kaibigan at dating kakosa (jailmate) na si Bong Revilla ay puro benggansa lang ang nasa isip?

Sino, si Janella? Isang bubot na politikong nag-ambisyon pero buti na lang, siya ang nagbigay-daan para sa bagong liderato.

Sino, si ER? Na nakatatawang nakasuhan noon ng overspending sa eleksiyon gayong ilang beses nang tumatakbo, hindi ba niya alam ang batas tungkol dito?

Yes, sa tanggapin man ng mga miyembro ng Estrada-Ejercito clan, isama na ang kanilang mga tagasuporta, waley na sila.

Three years na wala sila sa political limelight gives the newly elected officials na tumalo sa kanila the edge para magpakitang-gilas.

Sa kaso ni Isko, tiyak na hindi niya sasayangin ang pagkakaluklok sa kanya. Tatakbo siyang muli and on to his third and last term as mayor na may iiwang legacy sa mga Manilenyo.

Same with Francis Zamora na tumalo kay Janella sa San Juan, poised to do the best he can para patunayang hindi nagkamali ang madlang pipol na piliin siya over Janella.

Ito na marahil ang simula ng pagkabuwag ng isang dynastiya para sa tunay na pagbabago.

Magsisilbing kasaysayan na lang ang pamumuno ng angkan mula sa ama hanggang sa mga anak at kaapu-apuhan nito, a chapter in history na masarap pag-aralan sa eskuwelahan.

Pero kasumpa-sumpang hayaang mangyaring muli.

To the Estradas…good riddance!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top