Thursday , June 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janine, suki ng aksidente
Janine, suki ng aksidente

Janine, suki ng aksidente

HALOS nangangalahati pa lang ang taon pero two times ng naaksidente si Janine Gutierrez.

Sa taping ng Dragon Lady noong May 17, ay may kinunang fight scene si Janine gamit ang arnis.

Sa kasamaang-palad, hindi sinasadyang tinamaan sa ulo si Janine ng  arnis ng kaeksena kaya mamaga o nagkaroon ng bukol ang Kapuso actress.

Agad isinugod sa ospital ang dalaga at isinailalim sa X-ray/MRI.

Nang makita na wala namang major injury sa ulo, bukod sa pamamaga ay pinayagan si Janine na lumabas na ng ospital.

At dahil propesyonal, agad bumalik si Janine sa set at itinuloy ang taping ng Dragon Lady kahit may bukol pa sa ulo.

Unang beses na naaksidente si Janine last April 1 na binangga ng isang trak ng bumbero ang sasakyan nito habang patungo sa taping din ng Dragon Lady.

RATED R
ni Rommel Gonzales

 

About Rommel Gonzales

One comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top