Monday , September 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Cannabis (MJ) oil sa vape cartridge nasabat sa CMEC
Cannabis (MJ) oil sa vape cartridge nasabat sa CMEC

Cannabis (MJ) oil sa vape cartridge nasabat sa CMEC

HINULI ng mga tauhan ng Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Filipino American national nang kunin sa Central Mail Exchange Center ang 30 vape cartridge na nagla­laman ng cannabis oil sa Domestic Road, Pasay City kahapon.

Dakong 12:30 pm nang hulihin ang suspek na si Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng Wisconsin USA  na nag­mamay-ari ng shipment mula China, kasalu­kuyang residente sa Merville, Parañaque City.

Nabatid na dumaan sa inisyal na pagsusuri ng Bureau of Customs at PDEA ang naturang cartridge na nauna nang idineklara sa resibo na tsokolate ang laman.

Nagpositibo ang 30 vape cartridge sa liquid marijuana na may street value na P45,000 na padala ni Michael Arash Abedzadeh ng Shanghai, China.

Pansamantalang ibi­nin­bin si Alfonso ng mga tauhan ng PDEA sa Central Mail Exchange habang  ipinoproseso ang final laboratory test sa nasabing package na naunang nagpositibo sa inisyal na pagsusuri ng nasabing ahensiya.

Patuloy na nagsa­gawa ng masusing im­bestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa nasabat na cartridge na naglalaman ng hini­hinalang cannabis oil.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top