Wednesday , June 4 2025
Students school

Brigada Eskwela umarangkada na

BILANG paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo, naki­bahagi ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) sa programa ng Department of Education (DepEd) na paglilinis ng mga silid-aralan at iba pang pasi­lidad sa ilang pampu­blikong eskuwelahan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, 400 tauhan ng Metro Parkways Clearing Group (MPCG) ang itinalaga ngayong araw sa 20 pampublikong paaralan sa Metro Manila para sa Balik Eskwela program.

“Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa aktibidad na ito. Han­dang handa na ang ating mga tauhan na umasiste sa mga pampublikong esku­we­­la­han na humingi ng tulong sa atin para sa malinis at ligtas na lugar para sa mga estudyante,” ani Lim.

Ayon sa hepe ng MPCG na si Francis Marti­nez, nasa 15 tauhan ng MPCG ang naka-assign sa bawat paaralan.

Isa sa mga gagawin ng mga tauhan ng MPCG ang paglilinis ng paligid ng eskwelahan; pag-aayos ng mga upuan, mesa, pader, at iba pa; pagti-trim ng puno at paglalagay ng mga halaman, pag-aalis ng mga tuyong dahon sa mga drainage; at pagpi­pinta ng mga pedestrian lane markings depende sa hiling ng pamunuan ng eskwelahan, ani Martinez.

Aniya magbibigay ng dust pans na gawa sa ini-recycle na lata ng mantika sa ilang pam­publikong paaralan.

Ilan sa mga esku­welahang aayusin ng MMDA ang Palanan Elementary School at Bangkal High School sa Makati; Panghulo National High School, at Concepcion Technical Vocational School sa Malabon; Timoteo Paez Elementary School at Pasay City National High School sa Pasay; Juan Luna Elementary School at Antonio Maceda Inte­grated School sa Maynila; Sto. Cristo Elementary School at Holy Spirit National High School Annex sa Quezon City.

Ang Brigada Esku­wela ay taunang main­tenance program ng DepEd na nagtatagal nang isang linggo. Layu­nin nitong ipagsama-sama ang mga guro, magulang, at iba pang stakeholders para magsa­gawa ng clean-up sa mga pampublikong esku­welahan sa elementarya at sekondarya.  (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Pagbaba  ng krimen sa bansa, mararamdaman — Gen. Torre

TAHASANG tiniyak ng bagong talagang Philippine National Police (PNP) chief na si Gen. Nicolas Torre …

Nicolas Torre III

8-oras police duty  inaaral ni Torre

PINAG-AARALAN ni bagong Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III na paikliin ang …

PDEA iniimbestigahan, P1.5-B droga na nalambat sa Bataan

PDEA iniimbestigahan, P1.5-B droga na nalambat sa Bataan

SAMANTALA, nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa pakikipagtulungan ng iba …

060425 Hataw Frontpage

PDEA naalarma, imbestigasyon ikinasa  
HIGIT P1.5-B SHABU NAISPATAN NG MGA MANGINGISDA SA WEST PH SEA

nina MICKA BAUTISTA at ALMAR DANGUILAN PINANINIWALAANG isang makabuluhang anti-drug breakthrough ang naganap matapos madiskubre …

Gen Nicolas Torre III

3 prayoridad, inilatag
AKSYON HINDI PURO DADA — GEN. NICOLAS TORRE III

BINIGYANG-DIIN ng ika-31 punong hepe ng Philippine  National Police (PNP) na hindi kailangan ang maraming …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *