Monday , September 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Persona non grata vs Alex Gonzaga sa Parañaque, isang malaking fake news
Persona non grata vs Alex Gonzaga sa Parañaque, isang malaking fake news

Persona non grata vs Alex Gonzaga sa Parañaque, isang malaking fake news

LAGING nakaabang sa popular sa lahat ng kilos ni Alex Gonzaga ang kanyang detractors.

Ang latest na birada ni Manang Cristy Fermin sa kanyang kolum, pinayuhan umano niya ang muling nahalal na Mayor sa Parañaque na si Edwin Olivares at ang reelected Mayor sa Taytay, Rizal na ideklara raw ng dalawang alkalde na persona non grata si Alex dahil sa sinabi niya during campaign tungkol sa “corruption.”

Pero agad namang inilinaw ni Parañaque City Administrator Ding Soriano na walang resolution to declare Alex Gonzaga for persona non grata in Parañaque.

“Mayor Olivares not taking it personally because it’s part of ‘politicking.’ Pero sa kabila ng kompirmasyon na walang ganitong issue, ay nakatakdang makipagkita si Alex kay Mayor Olivares para makausap ang nasabing Alkalde at magkalinawan sila.

Kasi ito namang si Manang Cristy ay mainit talaga ang dugo sa mga Gonzaga at madalas niyang pagtripan ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga sa kanyang column at minsan ay idinadamay pa si Mommy Pinty. Basta para kay Mommy Pinty, tuloy ang pagdating ng blessing sa kanila at bahala na lang daw si Lord  sa mga bumabalahura sa kanyang mga anak na sa pagkakaalam niya ay wala namang atraso sa aniya’y mapanirang gaya ni Cristy.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top