Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Passenger vessel, tumaob sa Davao City… Kapitan, 45 turista, 4 pa iniligtas ng Coast Guard
Passenger vessel, tumaob sa Davao City… Kapitan, 45 turista, 4 pa iniligtas ng Coast Guard

Passenger vessel, tumaob sa Davao City… Kapitan, 45 turista, 4 pa iniligtas ng Coast Guard

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard ang 50 pasa­herong sakay ng isang chartered vessel na nama­tayan ng makina at tumaob ilang sandali matapos magla­yag mula sa Sta. Ana wharf sa lungsod ng Davao ban­dang 7:55 am, kahapon Linggo, 18 May0.

Ayon kay P/SSgt. Sevner Neri, imbestigador ng Sta. Ana police station, sakay ng tumaob na bangka ang 45 turista, 4 miyembro ng crew, at ang kaptian ng Sam Chris­to­­pher Vessel.

Patungo umanong isla ng Talicod sa Samal nang bigla itong tumaob ilang minuto pag-alis sa Sta. Ana wharf.

Dagdag ni Neri, sumabit ang isang lubid sa elesi ng bangka sanhi ng pagka­matay ng makina at pagtaob nito.

Gayonman, nailigtas na ang lahat ng 50 nitong pasa­hero pasado 8:00 am, nitong Linggo.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top