Monday , September 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coney, balik-limelight dahil sa anak na mayor
Coney, balik-limelight dahil sa anak na mayor

Coney, balik-limelight dahil sa anak na mayor

BIGLANG balik sa limelight si Coney Reyes ngayong ang kanyang anak kay Vic Sotto ang nanalong mayor ng Pasig.

Aba noong araw naman sikat talaga iyang si Coney. Noong una bilang TV host. Nagsimula iyang si Coney bilang co-host noong araw ng Student Canteen kasama ng mga beteranong sina Eddie Ilarde at Bobby Ledesma. Malaunan, lumipat si Coney sa Eat Bulaga. Roon naman niya nakilala si Vic, nagkaroon sila ng relasyon at naging anak nila si Vico.

Pagkaraan ay umalis si Coney sa hosting at sinubukan ang drama. Naging top rater din ang kanyang anthology noon na Coney Reyes on Camera, na inilalabas tuwing Linggo. Nang matagalan pa, medyo nagpahinga muna si Coney, lalo na nga noong kasagsagan ng kontrobersiya sa kanyang buhay, at maayos na pinalaki ang kanyang mga anak.

Ngayon, mayor na ang isang anak niya.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top