Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Warriors namumuro sa West
Warriors namumuro sa West

Warriors namumuro sa West

IPINAKITA ng defending champion Golden State Warriors na kaya nilang manalo kahit wala si Kevin Durant.

Kumayod si Dray­mond Green ng triple-double upang tulungan ang Warriors na kalusin ang Portland Trailblazers, 110-99 kahapon sa Game 3 ng 2018-19 National Basketball Association (NBA) Western Conference finals.

Tumikda si Green ng 20 points, 13 rebounds at 12 assists para sa Golden State na tangan ang 3-0 serye at mamuro sa pag­sam­pa sa NBA finals.

Nilista ni Green ang kanyang seventh career postseason triple-double, bumakas si Stephen Curry ng 36 puntos para sa Golden State na puwedeng tapusin ang laro sa Game 4 sa lugar ng Trailblazer.

Nagtala si CJ McCol­lum ng 23 puntos  para sa Trail Blazers na lumamang ng 18 points sa second quarter, kumana si Da­mian Lillard 19 markers pero hindi sapat upang akbayan ang Portland sa panalo.

Hawak ng Trailblazers ang 13-point lead, 66-53 sa halftime, pero niratrat sila ng Warriors sa third canto kaya naman nalusaw ang kanilang bentahe.

Sa fourth quarter, hindi na pinaporma ng GSW ang Portland, inilayo nila ang iskor upang makuha ang importanteng panalo. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top