Monday , September 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Filipinas, bibida sa Cannes producers network bilang Country of Focus
Filipinas, bibida sa Cannes producers network bilang Country of Focus

Filipinas, bibida sa Cannes producers network bilang Country of Focus

NAPILING muli ang Filipinas bilang Spotlight Country sa prestihiyosong Cannes Producers Network ng Marché du Film na gaganapin mula 15-21 Mayo 2019 sa Cannes, France. Pangu­ngunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Philippine film delegation na lalahok dito para mas maipakilala ang Filipino film production companies sa global platform. Tampok sa Producers Network ang diverse na line-up ng film producers mula sa bansa.

Ang Marché du Film ang pinakamalaking film market sa buong mundo na ginaganap kasabay ng Cannes Film Festival. Bahagi ng film market na ito ang Cannes Producers Network, isang exclusive na producers-only event na tiniti­pon ang pro­ducers mula sa buong mundo. Magka­karoon ng pag­ka­kata­ong ma­ki­pag-network ang producers sa international partners at makakuha ng oportunidad para sa inter­national film co-productions.

Sa spotlight event ng Cannes Pro­ducers Net­work para itam­pok ang Filipi­nas sa 21 Mayo, itatang­hal ng FDCP ang mga sumu­sunod na spot­light companies sa mahigit 300 international partners, kasama ang pinaka­malalaking film industry players sa bansa: APT Entertainment, Inc., Globe Studios, The IdeaFirst Company, Spring Films, at TEN17P. May special participation din dito ang ABS CBN Films, ang pinakamalaking film production outfit sa Pilipinas, na Guest of Honor ng event.

Susuportahan din ng FDCP ang mga sumusunod na promising producers na kasali sa event, pati na rin ang kanilang latest projects para sa international co-pro­duction: Monster Jimenez ng Arkeofilms, Treb Monteras ng Dogzilla, Maria Madonna Tarrayo ng UXS, Inc., Dan Villegas ng Project 8 corner San Joaquin Projects, Kriz Anthony Gazmen ng Black Sheep, Michaela Tadena ng Media East Productions, Pamela Reyes ng Create Cinema, at Arleen Cuevas ng Cinematografica Films.

“Pangalawang taon na natin bilang Spotlight Country sa Producers Network at honored kami na i-showcase ang boses natin sa international film scene sa pinakamaking film market at sa isa sa mga pinaka-prestihiyosong film festival sa mundo. Ang Cannes ay isang exceptional platform para sa ating filmmakers at film com­panies para ibahagi nila ang kuwento nila sa global audiences, at hindi na kami makapaghintay na makipag-collaborate ang filmmakers natin sa filmmakers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo at tulungan din silang isabuhay ang dream film projects nila sa tulong ng international co-productions,” saad ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top