Thursday , June 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Faye Tangonan, sunod-sunod ang projects
Faye Tangonan, sunod-sunod ang projects

Faye Tangonan, sunod-sunod ang projects

PATULOY sa pag-arangkada ang showbiz career ng beauty queen-turned actress na si Ms. Faye Tangonan. After niyang magbida sa pelikulang Bakit Nasa Huli ang Simula with William Martinez, Lance Raymundo, Jay-R Ramos, Lester Paul, sa pamamahala ni Direk Romm Burlat, may kasunod na agad siyang pelikula.

Isa si Ms. Faye sa tampok sa pelikulang Tutop na pinagbibidahan nina Romm Burlat, Tonz Are, Jay-R, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Marvin Gabas.

Panimulang kuwento ni Ms, Faye, “I have a busy schedule right now. I feel so blessed knowing that my talents and efforts are being recognized. I offer all my achievements to God, ‘coz He’s the source of all good things! I’m doing another indie film right now, it’s entitled Tutop, a horror film, with Romm Burlat and Jay-R, directed by Marvin Gabas.”

Ano ang role niya sa Tutop? “I’m a supporting actress here, I’m the sister of Jay-R Ramos,” matipid na sagot niya sa amin.

May eksena na parang inaapi siya ni Tonz? “Not really, prostitute ako kasi rito sa movie and Tonz is my customer, hihihi!”

Mas at ease na ba siyang umarte sa harap ng camera? “Hahaha! Medyo nasasanay na rin po ako. Bago lang po ako but I’m trying to do my best,” masayang sambit pa ni Ms. Faye.

Next Saturday, May 18, mapapanood si Ms. Faye sa 33 Degree Bistro para sa show ni Throy Catan na Battle of the Voices together with Hugot King Kiel Alo, recording artist JR Estudillo, singer-composer Lester Paul, Voice Kids finalist Kyle Mallari, singer Nash Tillah, Child Song Bird International winner Jennelyn Gagajena, recording artist Rayantha Leigh, actress Ara Altamira, Tawag ng Tanghalan finalist Alliyah Candeliña, at iba pa.

Isa rin si Ms. Faye sa naging guest ng TEAM (The Entertainment Arts & Media) sa Dibdiban Na ’To (A Benefit Show for Breast Cancer Patients) kamakailan.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top