Thursday , May 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Reyno Oposa, nag-iisang bidang actor sa short film sa Canada
Direk Reyno Oposa, nag-iisang bidang actor sa short film sa Canada

Direk Reyno Oposa, nag-iisang bidang actor sa short film sa Canada

Masaya kami para sa kaibigan naming director-producer na si Reyno Oposa, na kinuhang bida sa isang short film ng kilalang videographer sa Toronto, Canada at Asya na si Sem Kim. Tungkol sa life journey ang tema ng movie ni Direk Reyno na tanging siya lang ang actor.

Ayon sa nasabing filmmaker (Reyno) dahil about self motivation ito ay hindi na kinakailangan ng dialogue at puro suggestive lang ‘yung scenes pero mararamdaman mo ‘yung pain ng character na hindi niya nakuha ang mga pinapangarap na marating in life kaya’t ikinulong niya ang kanyang sarili.

Hanggang dumating sa puntong kinailangan niyang bumangon at magsimulang muli ng bagong buhay. Napaka­sim­ple ng istorya pero punong-puno ng emosyon kaya’t tagos sa puso kapag inyong napanood at balak isali ni Sem ang naturang short film sa ilang inter­national festivals.

Ayon pa kay Direk Reyno, bukod sa paggawa ng documentaries ay in-demand rin si Sem sa paggawa ng commercials. Samantala kapag plan­tsado na ang malaking film project, ay uuwi ng bansa si Direk Reyno para gawin ang kanyang ipinagma­malaking obra. Dalawang sikat na artista ang gusto ni direk, na bibida sa kan­yang pelikula.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top