Thursday , November 13 2025

‘Wag matakot mangarap — Go

HINIMOK ni dating Special Assistant to the President at senator-elect Christopher “ Bong” Go ang mga kabataan na huwag matakot mangarap at paha­lagahan ang simpleng pagtulong sa kapwa.

Ang mensahe ni Go ay kasabay ng taos pusong pasa­salamat sa lahat ng tumulong sa kanya at higit sa lahat sa mga Filipino na nagtiwala sa isang ordinaryong probinsiyanong tulad niya na ihalal bilang sena­dor.

“Para po sa mga kabataan natin, huwag kayong matakot mangarap. Huwag ninyong maliitin ang kahit simpleng pagtulong at pagseserbisyo n’yo sa kapwa dahil sa bawat taong mapasaya at mapagaan ninyo ang hinaing, babalik rin sa inyo ang kabutihang nagawa ninyo. Tanging Diyos lang ang nakaa­alam ng inyong tadhana sa buhay,” ayon kay Go.

Ngayong tapos na aniya ang halalan ay panahon na upang magkaisa ang lahat tungo sa mas mahalagang gawain na iangat ang bansa at ang antas ng pamumuhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng mabilis, maayos at maasahang serbisyo ng gobyernong nagmamalasakit sa tao.

Tiniyak ni Go na ipagpa­patuloy ang serbisyong Tatak Duterte, tapat, makatao at maka-Diyos na serbisyo sa bayan.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …