Thursday , May 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Puyat at pagod ni Aiko, sulit sa pagkapanalo ng BF
Puyat at pagod ni Aiko, sulit sa pagkapanalo ng BF

Puyat at pagod ni Aiko, sulit sa pagkapanalo ng BF

SULIT ang lahat ng puyat, pagod, at sama ng loob ni Aiko Melendez dahil nanalong Vice Governor ng Zambales ang boyfriend niyang si Jay Khonghun.

Kaya namin nabanggit na sama ng loob ay dahil pati siya ay nadamay sa mga isyung wala naman siyang kinalaman tulad na sangkot daw siya sa droga na naging dahilan kaya niya kinasuhan ng libelo ang natalong vice governor ng lalawigan na si Angelica Magsaysay-Chen.

Anyway nag-post si Aiko hatinggabi ng Lunes ng, “Zambales has a New Vice Governor! Named Jay Khonghun. He just made a history! Never lost a single barangay. Iba ka talaga Lord magmahal! Solid po. Sweetest victory! Landslide win! Salamat po Lord!

“Kung alam lang ng tao ang pinagdaanan hirap at pagod ni Jay Khonghun maawa kayo. Meron mga panahon na halos tulala nalang kami pareho. Pero laban pa din kasi alam ko sa puso ko he is destined to be the Vice Governor of Zambales.

“Dahil sa malinis at maayos na paraan namen pinatakbo ang kampanya. Iwas siraan kami, plataporma at sincerity lang ang puhunan namen! I am so so proud of you Baby!

“In a few hours proclamation it is! Matalino ang Zambaleño pagod na sila sa siraan ang gusto nila ay leader na tumutulong. Kitang kita naman sa boto at lamang na boto mo, Buong Khonghun nanalo. Statement di ba, na malinaw po.

“Di naniniwala ang mga tao sa paninira sa inyo. Yan ang maliwanag na indication na mahal ng Zambales ang mga Khonghuns! This election has taught me so many things. And this will be etched forever in my heart! I will cherish this campaign for the rest of my life.

“Thank you Zambales for trusting Jay! Di po kayo nagkamali ng tinayaan ng tiwala  Sulit ang pagod at pag ikot naten! Love you Aiko ng Ibang Vice Governor ikaw lang.”

Naikuwento sa amin ni Aiko na nalungkot sila ni VG Jay nang hindi na inendoso ng Iglesia ni Cristo ang boyfriend niya.

“First time nangyari ate Reggee, kasi laging bitbit ng Iglesia si Jay, ngayon lang hindi kaya nakalulungkot,”sambit sa amin.

Dagdag pa, “Bait ni Lord, grabe ang vindication namin idinawit sa drugs si Jay hindi dinala ng INC and yet nanalo s’ya na malaki ang lamang.”

Panay naman ang pasalamat ni Aiko sa media dahil tinutukan ang mga isyung ibinato kay VG Jay at sa buong campaign sorties nito hanggang sa maluklok bilang bise gobernador ng Zambales.

Samantala, ang ibang Khonghuns na nanalong binanggit ni Aiko ay sina Congressman Jeffrey Khonghun sa District 1 na ama ni Vice Governor Jay.

Post ni Aiko, “And still the unbeatable congressman of District 1 Jeffrey Khonghun for a landslide victory! Overwhelming win! Mahalaga talaga ang madami nagawa at naipundar na tulong sa tao!”

At si Jon Khonghun na kapatid ni VG Jay ang pumalit sa kanya bilang Mayor ng Subic.

“The new Mayor of Subic Landslide win nothing beats hard work and sincerity! Wohoooo!”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top